Barko ng Pilipinas – makailang beses hinarang ng China

Umabot sa 100 Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc o Scarborough shoal ang nakatanggap ng tulong mula sa Philippine Coast Guard (PCG).

Nagpamigay ng food packs at groceries ang mga crew ng PCG para tulungan ang mga mangingisda sa kanilang mga aktibidad sa paligid ng Bajo de Masinloc

Naganap ito sa katatapos lang misyon ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) na nagsimula noong February 1.

Sa siyam na araw ng maritime patrol, iniulat din ng PCG na namonitor nila ang apat na Chinese Coast Guard (CCG) vessels na nakabantay sa kanila habang nagsasagawa ng pagpaptrolya.

Bukod pa ito sa 4 Chinese militia vessels na na-obserbahan din sa lugar.

Apatnapung beses din binuntutan ng mga ito ang barko ng PCG kung saan ang pinakamalapit ay umabot sa 176 metrong pagdikit sa gilid ng kanilang barko.

Apat na beses din nakaranas ng dangerous and blocking maneuvers ang BRP Teresa Magbanua sa mga barko ng China Coast Guard.

Ayon sa PCG, ang aksyon ng China ay malinaw na pagbalewala sa Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *