Barko ng US Navy – namataan sa West Philippine Sea

Na-monitor ang isang barko ng US Navy kahapon ng hapon matapos ang resupply mission sa West Philippine Sea.

Sa ulat, nakita ng mga barko ng Pilipinas ang US Navy vessel (LCS 26) sa bahagi ng Escoda o Sabina Shoal.

Sa kabila nito, nilinaw ng Philippine Coast Guard na wala silang alam sa presensya ng Amerika.

Pero sabi ng Armed Forces of the Philippines, posible raw na sinasanay lang nito ang kanilang right to freedom of navigation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *