BARMM official, patay sa pamamaril sa Cotabato City

PATAY sa pamamaril ang isang duvision head ng Bangsamoro Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs dakong ala 5:54 ng gabi kagabi sa bahage ng sa LR Sebastian St., Brgy. Rosary Heights XI.

Kinilala ni City PNP Station -2 Chief PMajor Amil Andongan, Jr. ang biktima na si JOCELYN SAMAR PALAO, 52 anyos, may asawa at mga apo, kasalukoyang Development Management Officer V at residente ng Brgy. Timaman, South Upi, Maguindnao Del Sur.

Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ng isang mini-van ang biktima at pauwi sana sa kanilang tinutoloyan sa Apitong St, San Pablo Village sa nasabing barangay ng pagbabarilin ng maraming beses ng riding in tandem gunman na nakabuntot at pagkatapos ay humarorot palayo.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan si PALAO at agad naisugod sa pagamuatan subalit nadeklarang dead on arrival, samantalang maswerte ar nakaligtas ang dalawa nitong mga kasamahan mga kalalakihan.

Narekober ng SOCO sa lugar ang siyam na basyo ng bala ng 45 caliber pistol na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Si PALAO ay kilalang masayahin para sa kanyang mga kasamahan sa trabaho ngunit seryo at may paninindigan sa kanyang trabaho sa ngalan ng kapakanan ng mga Teduray at iba pang mga IP.

Labis ang pagluluksa ng MIPA sa pagpanaw ni PALAO kakulitan pa umano ito kahapon ng umaga ng kanyang mga katrabaho.

Patuloy ngayon ang pangangalap ng mga otoridad ng mga ebidensya habang pusoosan ang kanilang pursuit operation. | 89.3 BNFM COTABATO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *