Basud MPS walang naitalang index crime mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 26, bilang ng mga naitatalang aksidente sa kalsada bumaba rin

CAMARINES NORTE – Walang naitalang index crime sa Peace and Order ang Basud Municipal Police Station mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 26 ng taong kasalukuyan.

Batay ito sa presentation ni PCpt. Matosalem Romero, Deputy Chief of Police ng naturang Municipal Police Station sa pagpupulong ng Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (MAGPTD) nitong Huwebes, July 27.

Ang index crime for Peace and Order ay ang crime against persons na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape at ang crime against property na kinabibilangan naman ng robbery, theft at carnapping.

Mayroon namang naitalang walo sa non- index crime tulad ng paglabag sa special laws, anti -gambling law, anti- child abuse law, illegal drugs at comprehensive firearms and ammunition gayundin ang illegal logging. Bumaba naman ng isang kaso angĀ  bilang ng mga aksidente sa kalsada. Mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 26, labing limang traffic incidents ang naitala kumpara sa labing anim naman sa kaparehong panahon noong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *