Basura nakuha sa ilang irrigation canal sa Calabanga, Camarines Sur; NIA Bicol, dismayado

NAGA CITY – Hanggang ngayon marami pa ring mga residente ang matitigas ang ulong nagtatapon o ginagawang basurahan ang mga irrigation canal na pag-aari ng National Irrigation Administration, ito’y muling natuklasan sa ginawang inspekson at paglilinis tuloy sa mga irigasyon sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur.

Sa pakikipag-usap sa media at sa Brigada News FM Naga kay Maria Cleofe “Nikay “ Baraero, Public Relation Officer A ng NIA-Bicol, sinabi niyang dismayado sila sa nakitang mga basura at dumi sa mga irigasyon sa nabanggit ng bayan.

Aniya’y marami pa ring mga taga barangay ang hindi natututo at hindi marunong sumunod sa kanilang pakiusap na huwag namang gawing basurahan ang mga kanal dahil sa nagiging marumi na  rin ang tubig mula rito na didiretso naman sa mga palayan.

Kaugnay, nito hindi lang ang Calabanga ang may ganitong senaryo kundi maging sa iba pang mga Lokal na gobyerno sa Camarines Sur.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *