Local News

Bata sa Quezon, Isabela; binansagang “BABY VOWEL” dahil sa kanyang pangalang AEIOU

Agaw atensiyon ngayon sa social media ang kakaiba at nakakaaliw na pangalan ng isang bata mula sa Brgy. Santos, Quezon Isabela   na si Aeiou Jei Viloria o mas kilala bilang Baby vowel.

Si Baby Vowel ay ipinanganak noong December 15, 2018 sa nasabing bayan at siya ay dalawang taon na ngayon.

Una nang nag-viral ang pangalan ng bagong panganak na sanggol na si baby Ghlynnyl Hylhyr Yzzyghyl o tinawag na baby consonant na mula sa Carmen, Cotabato.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Jesicca Viloria, ina ni Baby Vowel, napagkasunduan nila ng kanyang asawa na kakaibang pangalan dapat ang ibibigay nila sa kanilang magiging panganay.

Naging resulta ng kanilang pag-uusap ang pangalang Aeiou Jei o Baby Vowel para sa kanilang anak.

Ang pangalan ni Baby Vowel ay hango sa limang letrang patinig na A,E,I,O,U kung saan ito ang unang pinapabasa sa mga bata.

Isang biyaya umano sa pamilya si Baby Vowel dahil bata pa lamang ay nakikilala na siya dahil sa kanyang kakaibang pangalan maging ang kabutihan nito.

Samantala, kinahaharap naman ngayon ng Ina ni Baby Vowel ang sakit nito sa kidney matapos madiagnose noong Enero at ngayon ay sumasailalim na siya sa dialysis.

Gayunpaman ay patuloy parin nilang imumulat si Baby Vowel sa magandang asal na kanyang bibitbitin sa kanyang paglaki.

BNFM Cauayan

Recent Posts

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

6 mins ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 mins ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

31 mins ago

‘Internal agreements’ sa pagitan ng China at PBBM admin – pinabulaanan ng DND

Walang alam o hindi kabilang ang Department of National Defense sa internal agreement sa pagitan…

56 mins ago

Mga barko ng PH, Amerika, at France – tuluy-tuloy sa karagatang sakop ng Palawan

Nagpapatuloy ang Multilateral Maritime Exercise ng mga barko ng Pilipinas, US at France sa karagatang…

1 hour ago

Taiwan – muling niyanig ng magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng magkakasunod na lindol ang Taiwan. 'Di pa rin natatapos ang serye ng…

1 hour ago