Batang isasailalim sa pang-limang operasyon nabigyan ng ayuda sa “pass the hat” ng Pulis Kasanggayahan

SORSOGON CITY – Nagpahatid ng tulong pinansyal ang Sorsogon Police Provincial Office sa isang batang nakatakdang ma-operahan sanhi ng malubhang sakit sa bituka.

Nakatakda sanang operahan ang anim na taong gulag na lalaki subalit hindi umano ito natuloy dahil sa hindi daw naging available ang doktor.

Sumailalin na sa apat na operasyon ang naturang pasyente dahil umano sa sakit nitong Intestinal Obstruction o ang pagbabara ng bituka sanhi ng pagkakapilipit nito at maapektuhan ang pagdumi.

Napag-alaman ng mga otoridad ang naudlot na pang-limang operasyon kung kaya’t minabuti ng mga itong mag-ambag sa pamamagitan ng ‘pass the hat’ at ipahatid ang nalikom na halaga bilang tulong.

Anila, ang pagtulong umano ay pagpapakita ng pagdadamayan at ng pakikiisa sa isang tao sa kabila ng  hirap na pinagdadaanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *