Batangas City – sinelyuhan ang unang puntos kontra Imus sa MPBL Playoffs best-of-three series

Panalo ang Batangas City Embassy Chill laban Imus SV Squad sa iskor na 78-71, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2023 Playoffs na ginanap sa Batangas City Coliseum kagabi.


Dahil dito ay nakuha ng Batangas ang unang puntos para sa Best-of-Three series sa South Division-Quarterfinals.

Naging agresibo ang Batangas at ginamit ang homecourt advantage dahilan para sa 1st quarter pa lang ng laro ay naitala ang 21-8 lead.

Nagpatuloy ang magandang laro ng Batangas at hindi pinaobra ang mga beterano ng Imus at tinambakan ang kalaban hanggang sa naipasok ang 23 puntos na lamang sa 3rd quarter.

Sinubukang bumawi ng Imus sa huling quarter ngunit hindi pa rin natinag ang Embassy Chill at tinuldukan ang laro sa 78-71.

Nanguna sa kampanya ng Batangas si Jhong Baloria sa kanyang 17 points, at 5 rebounds at itinanghal na Player of the Game.

Sa post-game conference, sinabi ni coach Cholo Villanueva na ang kanilang magandang umpisa na napanatili hanggang sa huling bahagi ng laro ang naging susi ng kanilang panalo.

Samantala, panalo naman ang Gensan Warriors kontra Muntinlupa Cagers sa iskor na 79-70 para sa kanilang MPBL South Division first-round playoff series.

Nanguna sa laro ng Warriors ang Player of the Game na si Jervy Cruz sa kanyang 16 points at 5 rebounds.
Umambag naman si John Wilson ng 13 points at 12 rebounds dahilan para makuha ng Warriors ang 28 point lead sa pagsisimula pa lamang ng laro.

Sa post game conference, sinabi ni Cruz na aminado siyang naging pisikal ang laro sa first half pa lamang ngunit pinanatili lamang nila ang magandang opensa at depensa kontra sa kalaban.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *