Bato, nanindigang hindi magtatago hinggil sa posibleng ICC arrest warrant

Tumanggi si dating Philippine National Police (PNP) chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na banggitin ang kanyang plano o hakbang hinggil sa di umano’y naambang paghahain ng arrest warrant sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Ngunit tiniyak niya na ‘di tulad nina dating Congressman Arnie Teves Jr. at Apollo Quiboloy ay wala siyang plano na magtago dahil tiwala umano siyang ‘di makikipagtulungan ang bansa rito.

Ito ay matapos banggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang ICC sa bansa matapos ang naging pagwithdraw ng Pilipinas dito noon.

Maalala, ayon kay dating senador Antonio Trillanes IV, nakatakda na umano ngayong Hunyo o Hulyo ang paghahain ng warrant of arrest kay dating pangulong Rodrigo Duterte at susunod na umano rito ang senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *