Bato sa bagong autopsy kay Kian – ‘Bitayin niyo na lang ako’

Handa umano si Senador Bato dela Rosa na bitayin siya sakali mang mapatunayang totoong nagkasala siya bilang dati ng Pambansang Pulisya pagdating sa isyu ng drug war ng nagdaang adminstrasyon.

Reaksyon ito ni dela Rosa sa resulta ng autopsy ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun sa mga labi ni Kian delos Santos kung saan may nakita itong mga inconsistensies sa mga ulat ng kapulisan.

Una na kasing sinabi ni Fortun an handa siyang isumite sa International Criminal Court (ICC) ang kaniyang findings bilang ebidensya sa imbestigasyon nila.

Ayon sa Senador, kung totoo man daw ang mga resulta ng otopsiya ni Fortun ay bakit hindi raw ito i-file sa National Bureau of Investigation (NBI).

Bakit pa raw kasi sa ICC ito ihahain ni Fortun gayong mayroon naman tayong mga probing body para siyasatin ito.

Aniya, ang mga ganitong uri ng pagiimbestiga ay dapat isagawa sa Filipino courts at hindi sa mga international bodies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *