Bayad-pinsala sa mga ASF affected hog raisers sa bayan ng Luna at Naguilian, naibigay na

Natanggap na rin ng mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa mga bayan ng Luna at Naguilian.

Ayon sa Department of Agriculture Region 2, nasa 246 na mga magsasaka ang nabigyan na ng indemnity claims sa bayan ng Luna na katumbas ng 8.195 million pesos.

Umabot sa 1,639 na piraso ng baboy ang naicull ng DA sa naturang bayan dahil sa ASF Setyembre noong nakaraang taon.

Habang nasa 125 naman na hog raisers ang na-indemnify sa bayan ng Naguilian.

Ipinamahagi ng kagawaran ang 4.1 million pesos sa mga naturang benepisaryo.

Pinangunahan naman ang distribusyon ng bayad-pinsala sa mga magsasaka ni DA Region 2 Executive Director Narciso Edillo.

Sinabi niya na ito na ang matagal na hinintay ng mga hog raisers subalit ipinaliwanag nito na nagkulang kasi noon ang Quick Response Fund para sa first at second wave ng ASF kaya naman humingi ng karagdagang pondo sa Contingency fund ng Pangulo.

Umaasa naman si RD Edillo na sa pamamagitan ng mga natanggap na kabayaran sa mga magsasaka ay maibsan ang kanilang pagkalugi na idinulot ng ASF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *