Bayan ng Angadanan, Insurgency free na

Idineklara nang insurgency free ang Angadanan, Isabela kahapon dahil sa pagiging mapayapa ng  lugar at wala nang naitalang anumang aktibidad ng makakaliwang grupo  sa mga nagdaang taon hanggang sa kasalukuyan.

Nakatulong ang patuloy na pagsasagawa ng aktibidad ng mga kapulisan ng nasabing bayan kaugnay sa Executive Order 70 o National Task Force To End Local Communist Armed Conflict.

Ang pagkakadeklara ng isang bayan  ay patunay  na ang bawat Isabeleños ay tumatalima sa mga adhikain at programa ng gobyerno na tuluyan ng mawakasan ang insurhensiya at manaig ang kapayapaan sa bawat sulok ng probinsiya .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *