Bayan ng Caramoran, itinanghal bilang over-all champion sa katatapos lamang na Abaca Festival sa Catanduanes

BICOL—Itinanghal ang bayan ng Caramoran sa probinsiya ng Catanduanes bilang over-all champion sa lahat ng mga patimpalak na isinagawa sa kakatapos lamang na “Abacca Festival 2021”

Ito ay matapos na masungkit ng nasabing bayan ang pinakaraming panalo sa mga online competitions na pinaglabanan ng 11 bayan sa lalawigan. Ang Caramoran ang itinanghal na champion para sa Abaca Arch contest o ang pagandahan ng arkong gawa at idinesenyo sa Abaca.

Ang photographer din na si Adelmo Rubio na tubo sa nasabing bayan ang nag uwi ng unang gantimpala para sa Abacaptures habang first runner up naman si Aaron Vince Palmes. Champion din ang kanilang mga pambato sa Rawit sa Abaca Young Category na si Jay Aldwin Parone ; second runner up sa Abaca Facade si Letty Dizon at second runner up sa Abaca Festival Costume ang designer na si Louie Bagadiong.

Matatandaan, na ang Abaca Festival ay taunang isinasagawa sa lalawigan ng Catanduanes upang bigyang pugay ang mga abacaleros sa isla, na silang nasa likod kung bakit natamo ng probinsiya ang bansag na “Abaca Capital of the Philiplines.”###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *