Bayan ng Daet nakapagtala na ng 32 kaso ng COVID-19 ngayon lamang buwan ng Abril

DAET CAMNORTE- Sa isinagawang 16th Regular Session ng Sangguniang Bayan nitong April 26, 2021, nagsagawa ng pag-u-ulat ang IMT Daet ukol sa sitwasyon ng COVID Cases, COVID Vaccine Rollout, at iba pa sa naturang bayan

Batay kay Incident Commander, Nurse Fara Quiñones Ferrer, may kabuuang bilang na  30 kaso ng COVID na ang naitala simula noong April 7 hanggang April 26, 2021 habang nadagdagan ito ng dalawa pang kaso sa magkasunod na araw sa ulat ng DOH CHD Bicol nitong April 28 at 29

Ang naturang bilang ay naitala sa nasa 13 Barangay na kinabibilangan ng II. III, IV. V, Borabod, Camambugan, Dogongan, Gahonon , Lag-On, Gubat, Bagasbas at Magang

Sa ibinigay na ulat ng IMT Daet,  5 dito ay naka recover na at ang 3 ay namatay

Samantala, ayon naman kay Municipal Health Officer, Dr. Lurene Tejada, sa kasalukuyan ay may kabuuang 1,026 na ang nabakunahan at ang karamihan dito ay mga frontliners.

Muli namang Ipina-alala ni MDRRMO Chief Santiago Jr Mella ang patuloy na pag obserba ng Minimum Health Protocol Partikular na ang tamang pagsusuot ng face mask at faceshield, paghuhugas ng kamay o pag-spray ng alcohol sa kamay at pagbigay ng distansya sa ibang tao o physical distancing

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *