Bayan ng Daet nangunguna sa may pinakamaraming COVID-19 cases sa Camarines Norte

DAET CN- Nangunguna ang bayan ng Daet sa Camarines Norte sa may pinakamaraming naitatalang COVID-19 cases ngayong taon base sa ulat ng Department of Health Regional Office V – BICOL

Sa kasalukuyan ang bayan ng Daet ay nakapagtala na ng 16 na kumpirmadong kaso habang pumapangalawa ang San Vicente na mayroong 8. pangatlo ang bayan ng Capalonga na may 7 naitalang panibagong kaso

Ang bayan ng Basud, Talisay at Labo ay may tig-4 na naitalang panibagong kaso habang may 3 sa bayan ng Mercedes

May tig- 2 kaso naman ang bayan ng Paracale at Sta. Elena

Samantala, COVID-free sa kasalukuyan ang bayan ng Jose Panganiban at San Lorenzo Ruiz

April 22 ng maitala ang daily record high na 17 new cases sa lalawigan ng Camarines Norte, ang pinakamataas na bilang na naiulat sa loob ng isang araw mula ng magsimula ang pandemya

Bunsod nito, patuloy na nanananawagan sa mga mamamayan ang Local IMT at mga LGU na seryosong sundin ang Health and Safety Protocols sa lahat ng pagkakataon.

(photo courtesy of Byaheng Daet)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *