Bayan ng Gigmoto sa Catanduanes, muling nakapagtala ng aktibong kaso ng COVID-19 matapos ang 3 linggong pagiging covid free

BICOL—Makalipas ang mahigit tatlong linggong pagiging COVID free ng bayan ng Gigmoto sa lalawigan ng Catanduanes, hindi na ito napanatili pa ng nasabing bayan matapos mag positibo sa COVID-19 ang isang kawani ng PNP na residente nito.

Sa panayam kay Gigmoto Mayor Vicente Tayam Jr., inihayag nitong naninirahan sa District 1 Poblacion ang PNP personnel na dumalo umano sa isang hearing sa korte sa bayan ng Baras. Kalaunan, ay nag report ito sa Municipal Health Office matapos na makaramdam ng sintomas ng sakit gaya ng pananakit ng katawan at lagnat na naging rason upang isailalim sa swab testing ang pasyente saka nakumpirma na positibo ito sa coronavirus.

Dagdag pa ng alkalde, nagpapatuloy ngayon ang contact tracing sa lahat ng mga naging closed contact ng pulis kasali ang kanyang pamilya at ilang personahe ng Gigmoto MPS na nakasalamuha nito habang naka isolate naman ang pasyente sa isang quarantine facility sa District II.

Sa kabila nito ay hindi naman isinailalim sa lockdown ang nasabing hepatura dahil ayon sa alkalde, hindi maaaring itigil ang operasyon nito.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *