Bayan ng Jose Panganiban, kasalukuyang zero case sa COVID-19

CAMARINES NORTE- Isang paglilinaw ang inilabas ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Jose Panganiban kaugnay sa naiulat na isang kaso ng COVID-19 na naitala sa kanilang  bayan ng DOH bicol nitong June 11, 2021

Base sa naturang LGU, Susog sa mga datos na nakalap ng Municipal Health Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang nasabing inidbidwal, na nagpositibo sa COVID-19 at may code na BICOL CASE NO.14318 ay hindi residente ng Jose Panganiban taliwas sa inilabas na report ng DOH Region V.

Ayon pa sa naturang LGU, ika-06 ng Hunyo 2021 nang tumungo sa isang ospital sa Jose Panganiban ang nasabing indibidwal.

Isinailalim ito sa Rapid Antigen Testing kung saan siya ay nagpositibo kaya agarang ikonoordinate ng MDRRMO Jose Panganiban sa bayan ng Paracale kung saan siya nakatira para sa kanilang agarang kaalaman at nararapat na aksyon.

Kaugnay nito, ayon sa LGU  ang bayan ng Jose Panganiban sa kasalukuyan ay Zero case sa COVID-19 kaya’t muling paalala ng mga ito sa publiko na, patuloy na sumunod sa mga health and safety protocol gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay, pag-obserba ng social distancing, at paggamit ng face mask, upang maiwasan ang pagkakahawa sa sakit na COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *