Beep cards, available na online

Maari na umanong bumili ngayon ang mga commuters ng beep cards mula sa mga online stores, pero nag-abiso ang AF Payments Inc. (AFPI) na ito ay mas mahal.

Ang stored value cards ay nagkakahalaga sa P188 sa mga official online stores ng AFPI sa Lazada, Shopee, at Facebook Marketplace, hindi pa kasama ang shipping fees.

Ang presyo ng naturang card ay nasa P100 kung bibilhin mula sa mga rail station.

Mababatid na ang mga biniling cards sa mga station ay may initial load balance na P70, pero hindi naman nabanggit ng AFPI kung ganito rin sa mga cards na bibilhin sa online.

Matatandaan na noong Oktubre, nagbebenta ang MRT-3 stations ng limited stocks ng beep cards para matugunan ang public demand.

Noong Agusto nang kumpirmahin ng Department of Transportation ang kakulangan ng beep cards, dahil umano sa limitadong global supply ng microchips na kinakailangan para sa produksyon, at iba pa.

Ang naturang shortage ay maaring magtagal hanggang sa unang quarter ng 2023. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *