Ben Simmons, hindi muna makakalaro ngayong season sa NBA

Hindi muna maipapamalas ang basketball skills ni Ben Simmons ng Brooklyn Nets ngayong season sa NBA dahil sa iniinda nitong sakit sa kanyang likuran.

Magpapakonsulta muna si Ben sa mga espesyalista at magpapagaling para agad na makabalik sa hard court.

Tinapos ni Simmons ang season na may average na 6 points, 7 rebounds at 5 assists.

Nabatid na hindi pa siya nakakatapos ng isang season mula nang makuha siya ng Nets mula sa Philadelphia 76ers sa trade deadline noong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *