Ben&Ben, magkakaroon ng special performance sa concert ni Ed Sheeran

Magkakaroon ng special performance ang OPM band na Ben&Ben sa concert ni Ed Sheeran sa Pilipinas.

Ibinahagi ng banda ang magandang balita sa kanilang social media, kung saan ipinahayag rin nila ang kanilang excitement.

Saad nito, “Parang dati lang, nagco-cover lang kami ng kanta ni Ed Sheeran. Ngayon, special guest na kami.”

Huling punta ni Sheeran sa Pilipinas ay noong 2018 pa.

Gaganapin ang concert ng international singer-songwriter sa SMDC Festival Grounds sa Paranaque City sa Marso 9.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *