Benepisyaryo ng P1k aid sa Bayanihan 3, pwede mag-waive

Inihayag ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo na maaring tanggihan ng mga indibidwal ang P1,000 na cash assistance sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Arise As One Act or Bayanihan 3.

Ang pahayag ni Quimbo ay matapos aprubahan ng joint House committees on economic affairs and social services ang P405.6-billion Bayanihan 3, na kinabibilangan ng dalawang rounds ng cash aid na P1,000 bawat Pilipino, anuman ang kanilang social status.

Paliwanag ng mambabatas na isa sa mga authors ng Bayanihan 3 bill sa House of Representatives, may probisyon sa panukala na magpapahintulot sa isang indibidwal lalo na ang mga nakakaangat sa buhay na i-waive ang P1,000 per head na cash assistance.

Ibig sabihin, hindi compelled ang isang tao na mag-avail ng naturang ayuda.

Sinabi ng mambabatas na ang mungkahi na isama ang lahat ng mga Pilipino sa cash assistance ay para maiwasan na magdoble doble ang mga pangalan ng benepisyaryo sa listahan ng recipients. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.