BFAR Bicol, handa sa epekto ng El Niño sa mga mangingisda; technical assistance, libreng makukuha

LEGAZPI CITY – Nakahanda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol para sa posibleng epekto ng El Niño sa mga manginigsda sa rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay BFAR Bicol Production Division Chief Atty. Nilo Consuelo, sinabi niya ang kanilang ahensya ay gumagawa na ng mga mitigating measures upang malabanan ang dalang epekto nito.

Dagdag pa ni Consuelo, binabantayan na ang resilience ng mga isda at ang kanilang laboratory ay patuloy sa pagmo-monitor sa paunti-unting pagkamatay ng mga ito.

Sa ngayon, hindi pa nararamdaman ang dalang epekto ng El Nino at wala pa silang natatanggap na report patungkol sa fish kill .

Subalit, hinihikayat ni Consuelo na tiyakin ang mga produkto, fishpond o stocks upang kapag naapektuhan ng El Nino ay makatanggap sila ng insurance para sa kanilang mga isda.

Maliban dito, ang mga mangingisda ay maaaring makatanggap ng libreng technical assistance na makakatulong na maiwasan ang fish kill.

Dagdag pa rito, makukuha nila ito sa pamamagitan ng pagdulog sa kani-kanilang municipal agricultural officers upang mapuntahan ng mga awtoridad ng nabanggit na ahensya. | Brigada Intern FRANKLIN BANAYO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *