BFAR Bicol, magbibigay ng mass resilient species kaugnay ng posibleng epekto ng El Niño sa mga mangingisda

LEGAZPI CITY – Nakahanda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol sa pagbibigay ng mass resilient species ng mga isda bilang serbisyo sa mga mangingisda kaugnay ng posibleng epekto ng El Niño sa rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay BFAR Bicol Production Division Chief Atty. Nilo Consuelo, sinabi niya na ang pag-fish culture katulad ng tilapia at hito ay hindi delikado sapagkat ang mga ito ay matatag sa mga extreme environment.

Binigyang-diin ni Consuelo na ang kanilang ahensya ay nakahanda na rin sa pagtulong sa mga mangingisdang nangangailangan patungkol sa fingerlings.

Samantala, bukod pa rito, nakahanda rin ang BFAR Bicol sa pagbibigay ng parehong serbisyo katulad ng technical assistance at fingerlings sa paparating na La Niña season.

Makukuha umano nila ito sa pamamagitan ng pagdako sa kanilang mga Municipal Agricultural Office. | Brigada Intern FRANKLIN BANAYO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *