BFAR, dumipensa sa higit 2 dekadang delay AO implementation re: imported fish selling

Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na matagal na rin namang ipinatutupad ang isang Administrative Order (AO) hinggil sa pagbabawal sa pagbebenta ng ilang mga imported na isda sa mga lokal na pamilihan sa bansa.

Ito ay makaraang paimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang BFAR matapos mapag-alamang mahigit dalawang dekada na ang nakalipas ay ngayon pa lamang nila ipinatupad ang pagkumpiska sa mga imported fish products partikular na ang pink salmon at pompano.

Sa ilalim ng liham ni Ombudsman Samuel Martires, pinagpapaliwanag ang BFAR kung bakit 2022 na ipinatupad ang AO No. 195 gayong 1999 pa ito dapat naging epektibo.

Sa isang panayam, sinabi ni BFAR Information and Fisherfolk Coordination Unit head Nazario Briguera na bagamat ngayon lang sila nagkumpiska ng mga imported na isda sa merkado – matagal na rin namang epektibo ang naturang order.

Aniya, ito raw ang ginagamit nilang basehan sa pagi-isyu ng permit sa mga importers.

Sa katunayan, hindi raw napagbibigyan ng permet ang mga fish importers sa oras na malamang ang mga lokal na merkado ang destinasyon nito.

Sa huli, nanindigan si Brigura na epektibo ang AO at hindi nila pahihintulutan ang pagbebenta sa wet market ng mga imported na isda.
#

RELATED STORY:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *