BFAR, handang magpaliwanag hinggil sa crackdown vs imported salmon selling

Tinanggap na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang direktiba mula sa Senado kung saan ay pinagpapaliwanag ito hinggil sa isasagawa nilang crakcdown sa pagbebenta ng mga imported na salmon at pompano sa merkado.

Matatandaaang hiningan ang BFAR ng paliwanag matapos mapag-alamang 1999 pa dapat epektibo ang Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195.

Sa isang pahayag, sinabi ni BFAR Information and Fisherfolk Coordination Unit head Nazario Briguera na handa silang sagutin ang mga Kongresista hinggil sa higit dalawang dekadang delay sa implementasyon ng order.

Sa ngayon, ipauubaya na umano nila sa Pangulo na siya ring Agriculture Secretary ang pagtugon sa apela ng mga fish importers na ipagpaliban ang ban sa pagbebenta ng naturang imported fish products sa pampublikong pamilihan.

Matatandaaang una nang nilinaw ni Briguera na matagal nang ipinatutupad ang FAO No. 195 at ito ang ginagawa nilang basehan sa pag-iisyu ng mga permit.

Samantala, mayroon na ring nakahaing House Resolution No. 600 si Cavite Rep. Pidi Barzaga para paimbestigahan sa Kamara ang crackdown ng BFAR na maguumpisa sa December 04.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *