BFAR kumpiyansang tataas ang fisheries production sa Camarines Norte ngayong unang quarter ng 2024

CAMARINES NORTE – Kumpiyansa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tataas ang fisheries production sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong unang quarter ng 2024.

Ito ay makaraang bumaba noong 2023 lalo na sa mga huling bahagi ng taon na iniuugnay rin sa climate change.

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam, ang pagbaba ng produksyon sa pangisdaan ay dahil hindi makapalaot ang mga mangingisda bunsod ng shear line at iba pang weather disturbances na nakaapekto sa Camarines Norte.

Kahapon ay isinagawa naman ang Fisheries Extension Workers Training Consultation meeting sa BFAR Provincial Office sa bayan ng Mercedes.

Layon ng aktibidad na ma- harmonize ang collection ng mga datos sa fishery sector lalo’t ibang methology ang gamit ng Philippine Statistics Authority (PSA) na siyang naglalabas ng mga official data.

Kabilang naman sa mga tinalakay sa consultation meeting na dinaluhan ng mga agricultural technologies  mula sa coastal municipalities ay ang Fisheries Production report, guidelines sa pagbibigay ng incentive allowance sa mga Fisheries Extension Workers ng mga LGU ngayong 2024 at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *