National

BFP: 7 sugatan, P300M inisyal na danyos sa natupok na Manila Central Post Office

Umakyat pa sa pito ang bilang ng mga nasaktan mula sa natupok na Manila Central Post Office, habang nasa P300 million naman ang inisyal na danyos.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), na kabilang sa mga sugatan ay mga bombero na sina Fire Officer II Joel Libutan, Fire Officer I Carlo Abrenica, Senior Fire Officer II Julio Erlanda, Fire Officer II Jeremy Roque, at Fire Officer I Josaphat AraƱa.

Ang mga fire volunteer din na sina Toto Doslin at sibilyan na si Elain Dacoycoy ay nasaktan.

Naitala ang kanilang injuries sa first-degree burns, pamamaga at paninigas ng muscles, allergic reactions, posibleng fracture, o laceration, at iba pa.

Samantala, may dalawa ding structures na natupok ng apoy.

Sa kabilang dako, sinabi ni Philippine Postal Corporation (PHLPost) Postmaster General Luis Carlos, na tinitingnan nila ang indemnity para sa nasunog na parcels. //MHEL PACIA

BNFM Makati

Recent Posts

Gulong, kumalas sa trak; 2 sugatan

Sugatan ang isang fish dealer at pahinante nito habang nakaligtas ang driver ng trak nang…

5 hours ago

DA: makababawi ang bansa mula sa pagbaba ng rice production

Naniniwala si Department of Agriculture Secretary Kiko Tiu-Laurel Jr. na makababawi ang Pilipinas sa produksyon…

6 hours ago

Deniece Cornejo at Simeon Raz – nasa kustodiya na ng BuCor

Nasa pasilidad na ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) sina Deniece Cornejo at Simeon Raz.…

6 hours ago

China – nanindigang ‘di aalisin ang mga barko sa mga teritoryo ng Pilipinas

Hindi sinunod ng China ang utos ng Pilipinas na alisin ang kanilang barko sa teritoryong…

6 hours ago

Ilang senador – gustong isailalim sa military training ang mga criminology students

Nilinaw ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino na…

6 hours ago

Kagamitang pandigma ng rebeldeng grupo, natagpuan sa Gattaran, Cagayan

Narekober noong Martes ng pinagsanib na puwersa ng Mobile Community Support Sustainment Team (MCSST) ng…

6 hours ago