National

Suspek sa Degamo slay, kumambyo, itinanggi na kilala Arnie Teves

Kumambyo ang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa kanyang naging pahayag at itinangging alam niya ang assassination at kilala ang mga utak sa krimen na sina suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. at Marvin Miranda, na dating bodyguard ng mambabatas.

Ayon kay Atty. Harold Montalbo, abogado ni Osmundo Rivero, na batay sa limang pahinang counter-affidavit ng kanyang kliyente, binigyang diin nito na pinilit lang siya na ituro si Teves, bilang isa sa mga nag-utos sa pagpatay, habang siya ay nasa headquarters ng Philippine National Police (PNP).

Dagdag ni Rivero, na pinayuhan umano siya ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) na ibigay nalang ang demands ng pulisya, para hindi masaktan.

Samantala, itinanggi naman ni Atty. Jason Bandal, ang PAO lawyer na nakatalaga kay Rivero, ang naging pahayag ng suspek. //MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago