BFP Camarines Sur nagbabala sa publiko matapos ang 476% pagtaas ng bilang ng insidente ng sunog!

CAMARINES SUR- Tumaas ng husto ang bilang ng insidente ng sunog sa unang dalawang buwan ng 2024 sa Camarines Sur kumpara noong 2023.

Ito ang nakuhang datus ng Brigada News FM Naga sa Bureau of Fire Protection (BFP) Provincial Office. Pagpasok pa lamang ng Pebrero 2024 , nasunog ang merkado publiko ng Iriga City, sumiklab ang grass fire sa Sta.  Teresita bayan ng  Baao at nitong linggo lamang parehong insidente ang nangyari sa Mantalisay, Libmanan kung saan nadamay ang ilang mga puno ng niyog. Kahapon , isa ang sugatan sa San Isidro , Iriga City.

Ayon kay FCI Jerald Lovadia tagapagsalita ng BFP CamSur, higit na mataas ang fire incident kumpara noong 2023, tumaas ng 476%. Noong Enero 2023, 17 ang nairehistro habang 29 ngayon. 17 noong Pebrero 2023 habang 26 na kaagad hindi pa nga natatapos ang kasalukuyang buwan. Nangungunang dahilan ang electrical connection, napabayaang niluluto at nag-oover heat na kagamitang de-kuryente.

Nagbabala ang BFP sa publiko na mag doble ingat lalo na ngayong tag-init at lalo pa sa epekto ng El Niño Phenomenon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *