BFP Cauayan City, nanawagan sa publiko kaugnay sa patuloy na pagsunod sa mga fire safety tips

Nanawagan ang Bureau of Fire Protection Cauayan City sa publiko na patuloy na sundin at gawin ang mga fire safety tips upang makaiwas sa sunog kaalinsabay ng pagdiriwang ngayong Fire Prevention Month.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay FO1 Dennis John Deundo, Information Officer ng BFP Cauayan City, marami silang mga nakalinyang aktibidad ngayong buwan kabilang na rito ang pagsasagawa ng tree planting at fire and earthquake drill sa buong lunsod.

Aniya, patuloy din ang kanilang pag-papaalala sa mga mamamayan ng mga tips para makaiwas sa sunog sa pamamagitan ng “Oplan ligtas na Pamayanan” kung saan kada linggo ay nag-iikot sila lunsod.

Nakatakda rin aniya silang magsagawa ng fire brigade training sa March 3-5 sa mga kawani ng isang mall sa lunsod upang ituro kung ano ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna at sunog.

Sinabi pa ni FO1 Deundo na ito ay maaaring hilingin ng mga pribadong tanggapan sa kanilang opisina upang mag-lecture sa mga empleyado kaugnay sa fire safety tips.

Samantala, umabot na aniya sa 30% na mga establishimento ang natapos ng mainpeksyon ng BFP Cauayan may kaugnayan sa pagtugon sa fire safety measures bilang isa sa requirements sa pag-renew ng business permit.

Muli namang nagpaalala si FO1 Deundo sa mga business owner at employer na sumunod sa mga panutunang ibinababa ng BFP upang makakuha ng kanilang permit at hindi maipasara ang kanilang mga establhisimento.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *