BFP Goa, may paalala sa mga may-ari ng sasakyan ngayong Fire Prevention Month

CAMARINES SUR- Ugaliing tingnan o i-check ang mga sasakyan bago gamitin, ito ang paalala ngayon ng Bureau of Fire Protection Goa ngayong fire prevention month, matapos makapagtala nang pinakabagong insidente ng pagkasunog ng isang motorsiklo nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Fire Senior Inspector Vincent AlbertĀ  Garchitorena ng BFP Goa, sa isang panayam ng Brigada News FM Naga, sinabi nitong maliban sa mga bagay o establisyemento na karaniwang pinagmumulan ng sunog, ang mga wiring, partikular na ang fuel line ng sasakyan at plastic component nito ay isa rin sa posibleng maging sanhi ng apoy.

Sa ngayon, kasabay nang paggunita sa buwan nang pag-iwas sa sunog, isa pang panawagan ng fire bureau sa publiko lalo na sa mga may-ari ng sasakyan na huwag basta-basta magkabit ng mga wire sa mga behikulo at kung maaari ay isangguni sa mga mas may alam upang hindi pagmulan ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *