BFP – idiniin ang responsibilidad ng bawat isa para maiwasan ang sunog

Hinikayat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang lahat ng mga Pilipino na maging responsable sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay BFP spokesperson F/SSupt. Annalee Carbajal-Atienza – sinabi niyang ang sapat na consciousness sa paligid ay napakahalaga para maiwasan ang sunog.

Aniya, malaki ang responsibildad ng bawat isa, lalo na ang mga adults para maging aware sa mga maaaring magdulot ng sunog; hanggang sa mga pamamaraan para sa ligtas na evacuation sakali mang magkaroon ng apoy sa isang gusali.

Kung maaalala – tumaas ng 25% ang bilang ng mga sunog sa bansa sa unang dalawang buwan pa lamang ng 2024.

Sa datos – mayroong naitalang 3,044 fire incidents mula January 1 hanggang March 1; mas mataas mula sa 2,424 na mga naitalang sunog sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *