BFP nagsagawa ng inspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE – Nag inspeksyon  sa mga tindahan ng paputok dito sa bayan ng Daet ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang masiguro na sumusunod ang mga ito sa batas para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Pinangunahan ni BFP Provincial Caretaker Fire Chief Inspector Adonis Osea, ang pag inspeksyon sa mga tindahan ng paputok kasabay na rin ng Oplan Paalala at fire truck visibility.

Tiningnan nila kung sumusunod ang mga tindahan sa requirements.

Ayon kay Osea nais nilang matiyak kung sumusunod ang mga ito sa fire code  at inaalam kung mayroong mga signages, smoke alarm at fire extinguisher ang mga ito.

Paulit- ulit din ang paalala ng BFP sa mga tindahan ng paputok na siguraduhing may sapat na suplay ng tubig na maaaring magamit sakaling magkaroon ng emergency.

Maliban sa Daet, mayroon ding mga tindahan ng paputok sa Labo at Jose Panganiban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *