BFP naka-alerto rin sa pagbubukas ng klase sa susunod sa mga pampublikong eskwelahan sa susunod na linggo

CAMARINES NORTE – Naka-alerto rin ngayon ang Bureau of Fire Protection kaugnay sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo

Kaugnay nito ay nagpaalala ang BFP sa mga mga magulang, guro at estudyante para sa ligtas na pagbabalik eskwela.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Senior Fire Officer 3 Ronaldo Paño, OIC- Municipal Fire Marshall ng Basud Fire Station, sinabi  nito na ngayong matindi ang init ng panahon dahil sa El Niño ay higit na kailangan ang pag- iingat sa sunog.

Aniya siguraduhing walang maiiwang nakasaksak na appliances sa pag alis ng bahay na posibleng pagmulan ng sunog.

Iwasan din umano na nakasaksak ang mga kagamitang de kuryente ng matagal.

Noong nakaraang linggo ay nakiisa ang BFP sa Brigada Eskwela kung saan nagtungo ang mga tauhan nito sa iba’t- ibang eskwelahan para magsagawa ng lecture partikular sa mga magulang at guro.

Nag inspeksyon din ang mga ito sa mga classroom para mkita ang kahandaan ng ekswelahan sa pagbubukas ng klase. Magbubukas ang klase sa mga pampublikong eskwelahan sa August 29 para sa School Year 2023-2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *