BFP, nakapagtala na ng 29 fire incidents na may kaugnayan sa paputok

Nakapagtala na ng 29 na fire incidents na may kaugnayan sa paputok ang Bureau of fire Protection o BFP.

Dahil dito, sinabi BFP Spokesperson Fire Supt. Annalee Atienza sa panayam ng Brigada NewsFM Manila na tuloy-tuloy ang kanilang information and dessimination campaign upang ipaalala sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok sa labas ng kani-kanilang bahay ngayong bagong taon.

Giit ng BFP, hangad nitong maging maayos at ligtas ang holiday season sa bansa.

Simula December 23, hanggang January 1, mananatili sa ilalim ng ‘Code Red Alert’ ang BFP kung saan nakahanda silang tumugon sa anumang tawag o insidenteng maipapaabot sa ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *