Bfp R3 Olongapo at lokal na pamahalaan ng olongapo pumirma na ng Deed of Usurfruct

Lumagda na ng deed of Usurfruct ang lokal na pamahalaan ng Olongapo at Bureau of Fire Protection Olongapo.

Ito ay nagpapatunay na pumapayag ang lokal na pamahalaan na ipagamit  ang 422 square meter na lote  para sa gagawing Olongapo City sub station sa Barangay Baretto.

Ang paglalagda ay ginanap sa FMA Hall ng Olongapo City noong Huwebes June 8.

Matatandaan na layunin ng Bfp na mapababilis pa ang pagbibigay ng magandang kalidad ng serbisyo at mabilis na makarespondi sa mga mamamayan  sakaling may mga magaganap na sunog lalo na sa malalayong lugar.

BNFM OLONGAPO –MICHELLE LOPEZ

Courtesy by:Olongapo City Information

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *