BI binabantayan ang umuusbong na syndicated fixed marriage

Pinaiigting ng Bureau of Immigration ang kanilang pagbabantay sa umuusbong na syndicated fixed marriage sa bansa na kinasasangkutan ng mga Chinese.

Ayon kay BI Deputy Spokesperson Melvin Mabulac, meron na silang naitalang tatlong kaso nito mula Enero hanggang ngayong buwan ng Pebrero.

Ang modus, magpapanggap na kasal ang biktima at ang suspek na Chinese para makalabas sila ng bansa.

Kadalasan anyang pumapatol sa ganitong modus ay yung mga nais magtrabaho sa labas ng bansa na ayaw dumaan sa Department of Migrant Worker.

Maihahalintulad din anya ito sa nauso noong mail-to-order bride.

Babala ni Mabulac, malaki ang posibilidad na mauwi sa labor at human trafficking ang mga biktima.

Kaya payo nito sa mga nais magtrabaho sa labas ng bansa, maiging dumaan sa DMW at POEA.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *