BI – may malalimang imbestigasyon sa umano’y Japanese man na nagpakalat ng bomb threat

Ipinag-utos na ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco ang malalimang imbestigasyon sa identity ng umano’y Japanese man na nagpakalat ng bomb threat iba’t-ibang ahensya ng Pamahalaan kahapon.

Ayon kay Commissioner Tansingco, makikipagtulungan sila sa National Bureau of Investigation at Department of Justice para matukoy kung nasa bansa ang taong nagtatago sa pangalang Takahiro Karasawa.

Bineberipika na rin ng ahensiya kung ito ang tunay na pangalan nito o isang prankster na gumagamit ng fictitious name.

Batay sa quick check sa database ng BI, hindi bababa sa apat na pangalan ang lumabas na pawang wala sa bansa.

Nagbabala rin si Tansingco na agad nilang ipatutupad ang hold orders, blacklist orders, o arrest warrant na inilabas ng pamahalaan laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *