BI modernization, malaki ang maitutulong sa economic growth at turismo

Malaki umano ang maitutulong sa inaasam na patuloy na paglago ng ekonomiya at paglakas ng turismo sa bansa ng pinaplano at isinusulong ngayon na modernisasyon sa Bureau of Immigration (BI).

Sa Laging Handa Public Briefing, ipinunto ni BI spokesperson Dana Krizia Sandoval na mahalaga ang gagawing pagmo-modernize sa kanilang sistema lalo na’t hindi lamang ito nakatuon sa pagbiyahe ng mga turista kundi nakatutok rin sa kung paano mag-stay ang mga ito rito sa Pilipinas.

Aniya, nais nilang maging facilitative ang BI upang ma-engganyo ang mga foreign nationals na mag-apply ng kanilang visa at manatili rito sa bansa sa pamamaraang legal.

Nilinaw naman nito na hindi kalaban ang teknolohiya sa gagawing modernization kundi magiging katuwang upang masiguro na epektibo ang pagbibigay ng BI ng mga serbisyo.

Bukod dito, sinabi rin ni Sandoval na malaki ang maitutulong nito para masiguro na walang korapsyon at walang kalokohan na ginagawa ang mga empleyado ng BI.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *