BI – naharang ang 2 Amerikanong sex offenders sa NAIA

Binuksan ng Bureau of Immigration (BI) ang bagong taon sa pamamagitan ng pagharang sa dalawang Amerikanong sex offender sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mga nasabing sex offenders na sina Zachary Thompson na mula sa Los Angeles at si Paul Coltharp na mula naman sa Taipei.

Ayon kay Tansingco, napag-alamang na-convict si Thompson noong 2013 at 2015 dahil sa pagkakaroon ng malalaswang larawan at pangmomolestiya sa dalawang magkahiwalay na menor de edad.

Samantala, naiulat naman din ng gobyerno ng United States na may kasong kinahaharap si Coltharp na child molestation mula pa noong 1998 sa California.

Kaugnay nito, ayon kay Tansingco marapat lang na hindi payagang makapasok ng bansa ang dalawang sex offender na Amerikano na kasalukuyan na ring parte ng BI blacklist.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *