Bicol Central Station fully booked parin hanggang bukas

Nagkasabay-sabay na ang mga pabalik ng Maynila na mga uwumi sa kani-kanilang mga bayan at probinsya nitong Barangay pati Sanguniang Kabataan Election maging Undas, ayon sa pamunuan ng Bicol Central Station Fully Booked pa rin hanggang bukas.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Terminal Manager Nonoy Reforsado, nitong Nov. 1 , 75 na mga buses ang na dispatched, 119 busses nitong Nov. 2 at 114 dispatched busses nitong Nov. 3 o 15, 400 na mga pasahero pero nitong Sabado at Linggo dagsa pa rin ang mga biyahero.

Pasalamat naman ni Reforsado sa mga bus company na sumunod sa kanilang panawagan na maghanda sa dagsa ng mananakay dahil sa long weekend, halalan at Undas. Mayroong mga travel and tours na nag apply ng special permit. Naging sapat ang sasakyan kaya hindi na inabot ng umaga ang mga sasakay kahit na nagsiksikan sa terminal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *