Bicol Central Station hindi pa nakikita ang posibleng epekto ng pag istrikto ng LTFRB sa mga jeep na hindi sumali sa consolidation

NAGA CITY- Hindi pa nakikita ng pamunuan ng Bicol Central Station ang posibleng maging epekto ng pag istrikto ng Land Transportation Franchising and Regilatory Board (LTFRB) sa mga jeep na hindi sumali sa consolidation.

Sa pagdinig ng House committee on transportation noong nagdaang Enero 10 sinabi ni LTFRB ChairmanChairman Teofilo Guadiz IIIhuhulihin na simula sa February 1, 2024 ang mga unconsolidated jeepney. Inihayag  sa Brigada New FM Naga ni Terminal Manager Nonoy Reforsado na napag-alaman niya sa mga grupo  marami na ang nakapag consolidate sa Naga at Camarines Sur. Posible aniyang hindi naman magkulang gaano ang bilang ng mga babiyaheng jeep at kaya naman ng bawat ruta biyaheng Camarines Sur.  

Sa parte naman ng Land Transportation Office (LTO)- Naga District Chief Grace Rojas, naghihintay sila ng pormal na kautusan ng LTFRB Bicol sa magiging galaw sa susunod na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *