Bicol Central Station, nakahanda na sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong semana santa

NAGA CITY – Dalawang linggo bago ang semana santa, nakahanda na ang Bicol Central Station sa pagdagsa ng mga biyaherong uuwi at luluwas ng Naga City at Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Nonoy Reforsado, manager ng nasabing terminal, mas paiigtingin nila ang seguridad lalo na sa mga bagahe ng mga pasahero upang maiwasan ang mga insidente ng pagkakawala nito. Sa seguridad, katuwang naman nila ang personahe ng Police Station 5 at lahat ng kanilang empleyado ay nakaduty.

Inaasahan ang pagkakaroon ng mahabang biyahe dahil na rin sa mga hindi pa tapos na road widening projects sa may bahagi ng district 1 papasok ng Camarines Sur kung kaya’t paalala na lamang ni Reforsado sa mga magbibiyahe na maglaan ng mahabang pasensya, magbaon ng tubig, idouble check ang lahat ng mga bitbit at maging responsable rin lalo na sa mga may kasamang bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *