Bicol Central Station, nilinaw na mandato at dumaan sa assessment ang panibagong terminal fee sa mga bus company

NAGA CITY – Mandato bilang Local Economic Enterprise at dumaan sa assessment ang panibagong terminal fee sa mga bus company sa Naga City, at nakadepende sa pamasahe ng bawat pasahero at ruta, ang basehan ng pagkokolekta.

Ito ang paglilinaw ni Terminal Manager ng Bicol Central Station, Nonoy Reforsado, hinggil sa nai-uugnay ang taas singgil nila sa iba pang isyu sa lungsod, na wala namang kinalaman.

Aniya, Enero pa ngayong taon, nang mapagplanuhan o naging kahilingan sa Konseho na magkaroon ng pagbabago hindi lamang sa terminal fee na ipapatupad pa lamang sa Mayo 16, bagkus ay sa rental rate din na una nang ipinatupad na 30% ang idinagdag at itinama lamang dahil ang iba ay bumaba.

Dagdag pa ng opisyal, ang terminal fee ay bread and butter kung saan diyan kinukuha ang revenue para sa terminal at sa Lokal na Pamahalaan, at bago naman tuluyang naaprubahan ay dumaan sa maraming beses na konsultasyon, public hearing lalo na sa mga stakeholders nang maipatupad ng maayos ngayong darating na Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *