Bicol healthcare utilization rate, tumaas dahil sa naitatalang mga kaso ng COVID-19

LEGAZPI CITY – Nakitaan ng pagtaas pagdating sa rate ng healthcare utilization sa buong rehiyon ng Bicol dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH) Bicol, mula sa 876 na inilaang mga higaan para sa non-ICU beds sa mga ospital sa rehiyon, 150 rito ay kasalukuyang ginagamit ng mga COVID-19 patients o katumbas ng 17%.

Dagdag pa rito, 10 naman sa 17 intensive care unit beds ang okupado na at 14 na mga pasyente ang nasa severe at critical admissions.

Sa ngayon, patuloy na inaabisuhan ng ahensya ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang maiwasan ang sakit at hindi na mas dumagdag pa ang naookupang pasilidad ng ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *