National

Bicol police, kinondena ang NPA matapos masawi sa IED ang FEU football player

Naniniwala ang Bicol police na ang New People’s Army ang nagtanim na improvised explosive device na kumitil sa buhay ng dating football player ng Far Eastern University na si Keith Absalon, 21-anyos at sa pinsan nito na si Nolven Absalon, 40-anyos.

Base sa ulat ay nagbibisikleta ang dalawang biktima kasama ang kanilang mga kaanak nang sumabog ang IED bandang alas-6:35 ng umaga sa Purok 4, Barangay Anas kahapon.

Itinakbo naman ang lalaking anak ni Nolven na si Chrisbin Daniel, 16-anyos, sa Masbate Provincial Hospital para maipagamot ang mga tinamo nitong pinsala.

Sinabi ng Bicol police na kinokondena nila ang walang awa na pagpapasabog ng NPA na pumapatay sa mga walang kalaban-laban na sibilyan.

Binigyang diin ng mga otoridad na malinaw na pruweba ito na makasarili ang pilosopiya ng NPA, at walang kinikilalang tao, lugar, o edad ang karahasan.

Samantala, nagluksa naman ang FEU community sa pagkamatay ni Absalon.

Inihayag ng FEU na labis nitong ikinalungkot ang pagpanaw ni Kieth na nagsimula sa football journey nito kasama ang FEU noong ito ay 13-anyos pa lamang sa ika-pitong baitang noong 2013.

Ipinunto rin ng unibersidad na kinilala si Absalon bilang isa sa pinakamahusay na high school players sa buong kasaysayan ng UAAP football.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago