Bicol region hindi pa nakakamit ang 80% na target population ng pagbabakuna; Catanduanes nangunguna sa pinakamaraming nababakunahan

LEGAZPI CITY -Inihayag ng Department of Health (DOH) Bicol na hanggang ngayon ay hindi pa nakakamit o nakukuha ang 80% na target population ng pagbabakuna sa.

Ayon kay Rosa Rempillo, Paliwanag ni Rosa Rempillo ang Chief ng Local Chief Support Division ng DOH Bicol, karamihan sa mga dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi nakukuha nag target population dahil sa mayroon takot ng pagbabakuna na kanilang naranasan sa unang dose o agam agam kung saan nagkaroon ng side effects sa 1st dose at kanilang paniniwala kung hindi pa rin sila nagpapabakuna.

Base sa datus ng ahensya, nasa 3.643M o 72.89% pa lang ang accomplishment ng nasabing rehiyon nang pagbabakuna ng 1st dose , fully vaccinated at booster shots.

Kung pag- uusapan ang fully vaccinated ay nasa 66.38% accomplishment ng Bicol Region.

Ang lalawigan ng Catanduanes ang isa sa pinakamaraming nabakunahan na kung saan umabot na ito sa 82.96%.

Sinundan ito ng Albay na may 76.72%, Camarines Sur, 74.45%, Sorsogon 74.20%, Cam.Norte 67.46% at 63.25%, ang lalawigan ng Masbate.

Sinabi ng opisyal, na kinakailangan ngayon ng bawat Local Government Units na makapaghikayat o magpursige ng kanilang covid 19 vaccination skanilang lugar upang maparami o maabot na ang target population ng pagbabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *