Bicol region, nagtala lamang ng 3 bagong kaso ng covid-19 kahapon

BICOL – UMABOT lamang sa tatlo ang mga bagong kaso ng covid-19 na naitala sa rehiyon kahapon base sa ulat ng Department of Health o DOH-Bicol.

Nagmula ang mga bagong kaso ng sakit sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan mayroong dalawa ang Buhi habang nagtala ng isa ang bayan ng Pili.

Bunsod nito, umaabot na sa 58,903 ang cumulative cases ng covid-19 sa Bicol simula pa noong March 2020.

Nakapagrehistro lamang din ng dalawang bagong nakarekober na kapwa naitala sa probinsya ng Sorsogon daan para umakyat sa 52,309 ang total recoveries.

Paliwanag ng ahensya, mayroon pa umano silang hinihintay na report mula sa ibang mga probinsya at major cities sa rehiyon ngayong araw at oras na matanggap ang mga ito ay inaasahang makakapag update ng tracker bukas.

Samantala, wala namang bagong nasawi sa sakit kung kaya’t nakapako sa 2,140 ang kabuuaang covid-19 fatalities ssa kabikulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *