Bicol region, nagtala ng 213 na mga bagong kaso ng covid-19 ngayong araw

BICOL—Sumampa na sa kabuuang 14,496 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng 213 na bagong kaso ngayong araw.

Pinakamaraming bagong kaso ang nadagdag sa Camarines Sur na mayroong 101 kung saan 23 ang naitala sa Naga City, 112 sa bayan ng Bato, may tig-walong bagong kaso ang Buhi at Nabua, 7 sa lungsod ng Iriga, tig-limang kaso ang bayan ng Milaor at Sagñay, tig-apat ang Calabanga at Lagonoy, tigta tatlong kaso naman ang Camaligan, Pili at Sipocot, 2 bagong kaso sa Magarao, Pamplona, Presentacion, Siruma at Tigaon habang mmay tig-iisang kaso ang mga bayan ng Baao, Garchitorena, Minalabac, Ocampo at San Fernando.

Sinundan ito ng Masbate na may 49 na mga bagong kaso kung saan 15 ang mula sa bayan ng Mandaon, 11 sa Claveria, 8 sa Masbate City, 7 sa Cawayan, 3 sa Aroroy, 2 sa San Jacinto at may tig isang bagong kaso ang bayan ng Balud, Esperanza at Uson.

22 bagong kaso naman ang naitala ng Sorsogon kung saan may 11 ang Sorsogon City, tigda-dalawang bagong kaso ang mga bayan ng Irosin, Pilar at Prieto Diaz habang may tig-iisa ang mga baya ng Castilla, Gubat, Juban, Sta. Magdalena at Matnog.

Mayroong 20 bagong ang Albay kung saan 12 ang naitala sa Legazpi City, 4 sa bayan ng Manito at tig isa ang Bacacay, Malilipot at mga lungsod ng Tabaco at Ligao.

18 bagong kaso naman ang mula sa Camarines Norte kung saan nakapagtala ng 8 bagong nagpositibo ang bayan ng Daet , tig-dalawa ang Basud at Paracale habang naay tig-iisa ang mga bayan ng Capalonga, Labo, Jose Panganiban, Sta Elena, Talisay at Vinzons.

Habang may tatlong bago kaso ang Catanduanes na mula sa mga bayan ng San Andres, Viga at Virac.

Apat na bagong pagkasawi ang nadagdag kung saan 3 nito ay naitala sa Sorsogon at isa ay sa Naga City dahilan para umakyat na sa 459 ang total death toll sa Bicol.

Samantala, 84  ang mga bagong gumaling kung saan 60 nito ay mula sa Camarines Sur, 22 sa Sorsogon at may 2 ang Catanduanes.

Sa kabuuan, umaabot na sa 9,197 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *