Bicol Region nakapagtala na ng mga kumpirmadong kaso ng measles at Rubella sa unang semester ng 2023

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Department of Health Bicol na nagkakaroon na naman ng mga kaso ng vaccine-preventable disease sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Desiree Bricenio, National Immunization Program (NIP) Regional Manager ng Department of Health Bicol, bagamat wala pang outbreak ay nakapagtala na ng mga kumpirmadong kaso ng measles at rubella ang Bicol Region sa unang semester ng 2023 o mula Enero hanggang Hunyo. Nagkaroon ng kaso ng measles sa Camarines Sur at Masbate.

Apat naman ang naitalang kumpirmadong kaso ng rubella, tatlo sa Camarines Sur at isa sa Masbate.

Wala naman umanong naitalang kaso sa ngayon ng measles at rubella sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sabi ni Bricenio, nagkakaroon na ulit ng outbreak ng mga nabanggit na sakit sa ibang rehiyon.

Ang measle o tigdas at rubella na kilala rin sa tawag na german measles ang pinaka karaniwang vaccine-preventable diseases sa mga school- age- children sa Pilipinas.

Maliban sa measles at rubella may mga naitatala na ring kaso ng diphtheria sa ibang lugar.

Ang diphtheria ay isang bacterial infection na nakaaapekto sa ilong at lalamunan ng pasyente.

Kapag nagkaroon ng diphtheria, nilalagnat, sumasakit ang lalamunan, at humihina ang katawan ng pasyente.

Ani Bricenio, wala na halos nakakaalam tungkol sa sakit na ito dahil matagal na itong nawala pero ngayon ay bumabalik na naman. Mabuti na lamang daw ay wala pang naitatala nito sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *